Wednesday, August 8, 2007

dumating na sya! hahahahahahaha!

Sunday, July 8, 2007

aning na ako sa blog na to. di ako makapag post ng pics. nakakainis! ayaw naman ako tulungan ni panget. napakadamot!

Thursday, June 21, 2007

after ng meeting kahapon with the organizers ng Philippine Independence Day celebration na gagawin on friday, eto ginawa ko... naka 4 cans din ako nyan. hehehehe. sarap!

Thursday, June 14, 2007

habang sinusulat ko yung kwento ko, biglang nag online si ano... tinarayan nya ako at sinabihan na manggagamet. yun lang. kakalungkot lang isipin na yun ang tingin saken ng babaeng minahal ko ng sobra.

naiinip na ako. gusto ko na umuwi ng pinas kaso di naman pwede. ano kaya gagawin ko? ah eto na lang.... wento na lang ako.

10 years ago, mga 2nd week ng may, tambay ako sa harap ng la salle. di ako mapakali nun. baket? kasi di ako makapag enroll. na kicked-out ako. 2 subject lang kasi naipasa ko. di naman dahil sa bobo ako... dahil sa absent. 12 na beses lang yata ako pumasok sa loob ng isang sem. hahahahaha! takot na takot ako umuwi nung araw na yun. sigurado kasi sermon aabutin ko sa mom ko. pero wala na ako magagawa. nangyari na eh. 15 years old ako nung pumasok ako sa college. dahil nga bata pa ako, medyo di pa ako seryoso nun sa pag aaral. puro yung shota ko na taga makati inatupag ko nun. sobra naman kasi ganda nung babae na yun kaya talagang inaraw araw ko punta sa kanila. lagi pa naman sya wala kasama sa bhay kaya enjoy lage. pero nung nasipa ako sa school, tinigilan ko na sya. sinisi ko pa nga sya sa mga anngyare. bigla ko na lang iniwasan yung babae na yun ng walang pasabi. pag tumatawaag sya saken pinagtataguan ko. tapos nabalitaan ko na lang naging dancer daw sa ASAP. ewan ko kung totoo, kwento lang saken ng mga tropa ko. di naman kasi ako nanonood sa ch 2.

after nun, may nakilala akong magandang chick. taga sto tomas, batangas sya. excited ako lagi na makita sya kaya yun, nag enroll ako dun sa school na pinapasukan nya, sa st james. half german yung chick na yun. di ko sya naging gf pero isa lang masasabi ko sa kanya... galing nya humalik tsaka ang balbon nya, abot sa hita yung hair nya. hahahahahaha! natatandaan ko pinag awayan pa namin yun nung barkada ko. parehas kasi namin kursunada yung babae na yun. tapos yung isang classmate ko na taga sto tomas den naging shota ko pa. nagkataon naman na kursunada din sya nung tropa ko. para matapos na lang gulo, nagpustahan na lang kami. parehas na lang namin didiskartehan, may the best man win na lang. syempre, ako nanalo, ano pa ba eexpect nila? mahusay ako mambola eh. dinaan ko lang sa pag gigitara, bigay na. after a month nagsawa din ako sa buhay may shota. umiwas na din lang ako at gumawa ng kung anu-anong dahilan para magkalabuan.

mas naging masaya ako nung wala na ako shota. mas madalas na inuman ng tropa, madaming time para mag aral at higit sa lahat, walang sagabal sa buhay ko. ang tataas ng grades ko nun kahit na hindi naman ako mahilig mag aral. tapos nun eto na namn, may nakilala na naman ako na magandang babae. highschool student sya sa st james. sobrang crush ko sya kaya niligawan ko agad. ang alam ko boto saken yung mga tita nya at yung mama nya. dami kasi sila naririnig na good things about me galing sa mga prof ko. yun nga lang, hindi din naging kami. takot daw kasi sya makipag relasyon saken dahil mukhang babaero daw ako. pero inamin naman nya saken na mahal nya daw ako, kaya nga lang, di pa time kasi nga bata pa sya. first time ko ma busted nun.... hehehehehe! pero ok lang. di na ako nag aksaya ng panahon sa kanya. dami pa naman iba na pwede mashota eh. tsaka naging busy na din ako nun kasi binigyan ako ng mom and dad ko ng maliit na grocery store kaya school at business na lang inatupag ko simula nun. umabot din ako ng 4 sems sa st james bago ako nagdecide na lumipat ng school. sa loob ng 4 sems na yun, 3 yung naging shota ko, di kasali yung half german dun.

di ko alam kung ano pumasok sa utak ko after na magpaalam ako sa mga tropa ko sa st james. naisip ko na lang na gusto ko pala maging lawyer. kumuha ako ng entrance exam nun sa lyceum para sa AB Paralegal Studies. nakapasa ako sa exam kaya lang di ako natuloy pumasok nung 1st sem kasi namatay yung dad ko. kelangan ko huminto para ituloy yung maliit na business na naiwan nya. syempre, nung una di ko alam gagwin ko. parang napakalaki nung responsibility na naiwan saken. 18 lang ako nun eh. pero kinaya ko din naman. ang galing ngaa eh, ako yung pinakabata na member ng northern batangas contractors association. dami ako nakilala nun, dami ako naging friends, mga mayors at congressmen. ok na sana buhay ko nun kaya laang naaisip ko na naman yung dream ko na maging lawyer. isang araw, kinausap ko si mom ko. sinabi ko sa kanya na gusto ko talagang pumasok ulet sa school para tupadin yung pangarap ko. di nya ako pinigilan kaya lang nahirapan na kami ituloy yung business. nung makatapos ako ng isang sem, nagdecide na ako na maging full time student na. tinigil na namin yung negosyo para makapag concentrate ako sa studies ko. ok naman yung result, matataas yung grades ko nun. favorite subject ko yung civil law at history of political thoughts. pero syempre kahit na full time student aako, di pa din maaalis yung konting kalokohan sa katawan. madalas ako mang away ng prof nun, tapos lahat ng lumanding babae sigurado nang... alam mo na. dami nakakakilala saken that time kasi nga may kakulitan ako, kahit sino kinukulit ko. tapos sumikat ako sa department namin nung pag usapan ako sa faculty room. muntik na daw ako maging cum laude kung inayos ko lang sana yung minor subjects ko. ang tataas kasi ng grades ko sa lahat ng major subjects. tapos humanga pa mga prof ko nung narinig nila yung report ko about dialectical materialism. nag discuss ako ng life and works ni karl marx for an hour na walang binabasang kahit ano. 1.5 yung average ko nun nung maka graduate ako. ang taas nya, qualified sa dean's list.

after graduation, wala den nangyare. hindi na din ako nakapasok sa law school. tinamad na ako. gusto ko sa bahay na lang. isang taon ako tambay nun sa bahay until maisipan ko magtrabaho. pumasok ako nun as salesman sa san miguel. masaya den, dami nakikilala tapos lagi pasyal. hehehehe. pero di pa din ako masyadong seryoso nun sa trabaho. madalas ako absent. sarap kasi mag chat maghapon. tsaka makipag eb. lahaat yata ng nakaa pm ko na eb ko eh. sa pagchachat nakilala ko si ano. basta sya na yun. nainlove ako sa kanya at sya yung first love ko talaga. sya lang yung nag iisang babae na sineryoso ko. nabuntis pa nga sya at nagkaroon pa kami ng anak. yun nga lang mukhang di kami paraa sa isa't isa. mula kasi nung malaman ng parents nya na buntis sya, di na kami nagkita. di ko pa nga din nakikita anak namen eh. ang sakit pala ng ganun, yung mawala sayo yung taong mahal mo. tapos umasa ka na someday maaayos din lahat pero di naman maayos ayos yung problema namin. di kasi kami magkaintindihan. ewan ko ba... di ko kasi alam kung pano papaaliwanag sa knya kung ano ba talaga nangyare mula nung nagkahiwalay kami. tapos dami pa nyang promise na di tinupad. pero aako di ko pa den nakakalimutan lahat ng pinangako ko sa kanya. basta ganun na lang. hanggang ngayon naiiyak pa den ako pag naiisip ko sila ng anak namen. ang baduy noh? pero totoo yun. putulin ko na lang kwento dito kasi yung mga ibang details di na pwede kwento. medyo hindi kasi maganda.

Monday, May 28, 2007

hay....

naiinis na talaga ako sa mga nangyayare dito sa buhay ko. di ko na alam kung ano gagawin ko:( buti pa nung bata ako wala ako problem. bakit nga ba di pwedeng habang buhay na lang maging bata?

Friday, May 25, 2007

lungkot ako

ewan ko kung bakit ganito... nalulungkot ako:(