Wednesday, April 18, 2007

bagong buhay na. umpisa ulet. this time... mag isa.

Sunday, April 15, 2007

wawa naman sya

nagpunta ako kanina sa supermaRket, bibili kasi ako ng gift para sa friend ko na ikakasal. ganda nga ng nabili ko eh. hahahahaha! pero nung hanap ko yung cashier na madalas ko biruin, nalaman ko na wala na sya dun. nasisante sya dahil saken. kinulit ko kasi yun nung isang gabi, nakita ng boss nya kaya yun... lapit na sya uwi ng pinas. kawawa naman. dahil sa kakulitan ko nawalan ng trabaho. hay...

Friday, April 13, 2007

bad day

nagtxt sya saken bandang 10:30 am. sabi nya happy monthsary daw. di naman ako nakasagot... akala nya tuloy pinagtataguan or iniiwasan ko sya. pero ang totoo nyan, 4 days na nagloloko network dito. 4 days na walang signal cellphone ko. di ko nga alam kung pano nakapasok txt nya eh. nung mga 3pm na, may natanggap na naman ako message, sabi nya nakakasama daw ako ng loob, tapos meron message na 3 missed calls galing dun sa number na pinantxt nya. ano magagawa ko? sa wala akong signal eh. di namna sya nag oonline... hay... pano ko ba sya makakausap ng maayos? bigla nagka signal yung phone ko tapos tumawag ako sa kanya. parang wala sya sa mood. mukang asar nga saken. sandali lang kami nag usap kasi naubos na load ko. bumili naman ako ulet ng load kaso di naman ako makatawag ulet. etong demonyong phone ko, wala na naman signal. pag nabwisit ako dito, gagamitin ko na lang ulet yung isa kong sim. pero kelangan pa renew yun para magamit ko. ang mahal ng renewaL charge. kakainis talaga. anyway, bahala na kung ano mangyari... pero miss ko na din sya kahit nagtatampo ako sa kanya. mahal ko talaga asawa ko. happy monthsary den seo panget kong asawa... i love you so much!

Thursday, April 12, 2007

hay

wala na naman magawa sa buhay. miss ko na manood ng eat bulaga at ng 24 oras kaya nagpalagay ako ng gma pinoy tv. hahahahahaha! ano na kaya balita sa pinas? i cant wait to see mike enriquez again.

Tuesday, April 10, 2007

my good friend... yasser. jamming kami kagabi, galing nya tumugtog ng oud. ang lupet!

Sunday, April 8, 2007










the best weekend ever

its the best weekend ever here in UAE na na experience ko. saturday morning, biniro ko yung isang office mate ko. sabi ko sa kanya dapat magpakain sya kasi unng sweldo nya. paya naman sya agad sabi ko free ako after midnight at pwede ako pumunta sa bahay nila. ok naman usapan namin pero gusto daw nila makatikim ng pinoy food kaya dapat daw agahan ko kasi ako magluluto. nagpunta ako sa kanila around 10:30 pm. luto ako ng chicken adobo. syempre konting inuman habang naghihintay na maluto. invite din namin yung iba namin kasama sa trabaho para mas madami. sarap ng inuman namin tsaka ng tawanan. for a while nakalimutan ko yung mga problema na iniisip ko. nalasing ako eh. hehehehehe. nung midnight na, tumawag naman yung 2 friends ko na pinoy sa abu dhabi. sabi nila, pupunta daw sila sa bahay. 2 hours ang byahe galing dun so, di ako pwede matulog kasi may darating. tinuloy na lang namin ang inuman hanggang 1:30 tapos umuwi na ako. dumating nga yung bisita ng 2 am. dami nila kwento kaya medyo kulitan na naman. tapos bigla na lang kami na bored nung bandang 3am na. nagkayayaan lumabas. nagpunta kami sa ajman, meron dun night club na madaming pinoy. kaso pag dating dun ayaw kami papasukin ng guard kasi naka shorts at tsinelas lang kami. napilitan tuloy kami na bumili ng socks kasi thats the only way na pwede kami makapasok, pag naka medyas kami. kakatawa mga itsura namin pero syempre di naman kasi kami papayag na basta umuwi na lang. pag pasok namin... nakakagulat sa loob, di ko akalain na sa middle east pala, meron din ganun na lugar. may mga babaeng pagdidribble ng balakang ang trabaho. hahahaha. i mean, dami na akong napuntahan na bar dito sa UAE pero puro banda lang ang performer, yun talaga kakaiba. talagang may nagsasayaw na chicks. tuloy na naman ang inuman namin, medyo may tama na nga lang ako kasi uminom na ako dun sa bahay ng office mate ko eh. natapos kami uminom mga 4:30 am na. magsasara na kasi yung club. bitin ang gimik nun. naghanap pa kami ng restaurant kasi nakakagutom na. kaso wala pang bukas. nakakita lang kami ng maliit na cafeteria. hay... sa cafeteria, uminom kami ng tea habang kumakain ng paratha(indian bread na walang yeast at niluluto sa pan with a butter or ghee, hindi sa oven) at fried egg. umuwi kami bandang 5:30, sobrang antok na pero ok lang. enjoy namn eh. nung 8 am na ng sunday, gumising na ako kasi kelangan pumasok ng 9am sa office. grabe, sakit ng ulo ko nun. iniisip ko, uuwi ako ng 10:30 para matulog. pero di ganun ang nangyari eh. nagkayayaan na naman kami lumabas after ng meeting sa office. nagpunta naman kami sa filipino restaurant na malapit sa bahay namin. kasama ko pa din yung 2 taga abu dhabi at yung friend ko dito. grabe naman yung pagkain na order namin. sarap talaga, bulalo, sinigang, pakbet, daing na bangus at chaka kare kare. halos di kami makalakad sa kabusugan after namin mag lunch. tapos may pahabol pa na halo-halo na bigay nung may ari ng restaurant. siguro natuwa samin kasi makukulit kami. sobrang antok talaga ako kasi 2 hours lang tulog ko. akala ko makakauwi na kami nun at makakatulog na ako. kaso , nagyaya naman sila magpunta sa mall. waahhhhhh. so, namili kami ng konti at finally, nakauwi din ako ng mga 6pm. tinamad na ako bumalik sa office nun kasi antok talaga ako. natulog ako hanggang 9 pm. tapos bigla ko naalala na meron nga pala bachelor's party yung isa kong office mate. shit! puyatan na namn. pero ok lang. im sure enjoy yun. nagpunta na ako sa party, dala ko yung jackass na dvd kasi gusto ko papanood sa kanila. so, pagdating dun, nood kami habang naghihintay ng food. syempre konting tagay pampagana kumain. sobrang saya na naman, di ko makalimutan yung mga tawanan at kulitan namin. natapos inuman ng 1:30am. at last, makakauwi na din ako at makakatulog na sa paborito kong kama. hehehehehe. hirap nga lang kasi wala ako katabi. pero someday, im sure magkakaroon na din ako ng katabi sa pagtulog. hahahahahaha!

ei

its my anniversary... 1 year na ako wala sa pinas. dami na nagbago mula nung umalis ako. dami nangyari, meron good things pero mostly bad things. pero ok lang naman. kaya pa.

Thursday, April 5, 2007

hay talaga nga naman... naiinis na ako sa nangyayari saken. everyday ako sa bahay. last month pa ako ganito... tamad magtrabaho. lage wala sa mood. di ako makapaglagay ng pics:((

wala lang...

wala lang ako ng magawa. another boring day sa office. wala ang boss, walang makausap. wala din ako load:(( miss ko na ng sobra ang asawa ko. kaso tagal pa bago kami magkita. hay... makauwi na nga lang ulet. matutulog muna ako. pag gising ko balik ulet dito sa office para mag tea. its been 2 weeks na since i quit drinking coffee. hehehehehe. im tryin to live a healthy life... preparation yun para sa pagkikita namin ng panget kong asawa at chaka ng gwapo kong anak na mana saken:P --out

Monday, April 2, 2007

hay buhay


sabi nila panget daw ako... totoo ba yun?

Sunday, April 1, 2007

ang panget kong wallpaper. hehehehehe

ang panget kong wallpaper. hehehehehe

my favorite place in the world... syempre etong kama ko.










famous places na madalas ko puntahan:

sa dining room...


sa likod-bahay...



sa ilalim ng puno...



my ride





pics ng laruan ko. hirap pag walang magawa sa buhay... kung anu-ano naiisip gawin. hahahahaha!