Sunday, April 8, 2007

the best weekend ever

its the best weekend ever here in UAE na na experience ko. saturday morning, biniro ko yung isang office mate ko. sabi ko sa kanya dapat magpakain sya kasi unng sweldo nya. paya naman sya agad sabi ko free ako after midnight at pwede ako pumunta sa bahay nila. ok naman usapan namin pero gusto daw nila makatikim ng pinoy food kaya dapat daw agahan ko kasi ako magluluto. nagpunta ako sa kanila around 10:30 pm. luto ako ng chicken adobo. syempre konting inuman habang naghihintay na maluto. invite din namin yung iba namin kasama sa trabaho para mas madami. sarap ng inuman namin tsaka ng tawanan. for a while nakalimutan ko yung mga problema na iniisip ko. nalasing ako eh. hehehehehe. nung midnight na, tumawag naman yung 2 friends ko na pinoy sa abu dhabi. sabi nila, pupunta daw sila sa bahay. 2 hours ang byahe galing dun so, di ako pwede matulog kasi may darating. tinuloy na lang namin ang inuman hanggang 1:30 tapos umuwi na ako. dumating nga yung bisita ng 2 am. dami nila kwento kaya medyo kulitan na naman. tapos bigla na lang kami na bored nung bandang 3am na. nagkayayaan lumabas. nagpunta kami sa ajman, meron dun night club na madaming pinoy. kaso pag dating dun ayaw kami papasukin ng guard kasi naka shorts at tsinelas lang kami. napilitan tuloy kami na bumili ng socks kasi thats the only way na pwede kami makapasok, pag naka medyas kami. kakatawa mga itsura namin pero syempre di naman kasi kami papayag na basta umuwi na lang. pag pasok namin... nakakagulat sa loob, di ko akalain na sa middle east pala, meron din ganun na lugar. may mga babaeng pagdidribble ng balakang ang trabaho. hahahaha. i mean, dami na akong napuntahan na bar dito sa UAE pero puro banda lang ang performer, yun talaga kakaiba. talagang may nagsasayaw na chicks. tuloy na naman ang inuman namin, medyo may tama na nga lang ako kasi uminom na ako dun sa bahay ng office mate ko eh. natapos kami uminom mga 4:30 am na. magsasara na kasi yung club. bitin ang gimik nun. naghanap pa kami ng restaurant kasi nakakagutom na. kaso wala pang bukas. nakakita lang kami ng maliit na cafeteria. hay... sa cafeteria, uminom kami ng tea habang kumakain ng paratha(indian bread na walang yeast at niluluto sa pan with a butter or ghee, hindi sa oven) at fried egg. umuwi kami bandang 5:30, sobrang antok na pero ok lang. enjoy namn eh. nung 8 am na ng sunday, gumising na ako kasi kelangan pumasok ng 9am sa office. grabe, sakit ng ulo ko nun. iniisip ko, uuwi ako ng 10:30 para matulog. pero di ganun ang nangyari eh. nagkayayaan na naman kami lumabas after ng meeting sa office. nagpunta naman kami sa filipino restaurant na malapit sa bahay namin. kasama ko pa din yung 2 taga abu dhabi at yung friend ko dito. grabe naman yung pagkain na order namin. sarap talaga, bulalo, sinigang, pakbet, daing na bangus at chaka kare kare. halos di kami makalakad sa kabusugan after namin mag lunch. tapos may pahabol pa na halo-halo na bigay nung may ari ng restaurant. siguro natuwa samin kasi makukulit kami. sobrang antok talaga ako kasi 2 hours lang tulog ko. akala ko makakauwi na kami nun at makakatulog na ako. kaso , nagyaya naman sila magpunta sa mall. waahhhhhh. so, namili kami ng konti at finally, nakauwi din ako ng mga 6pm. tinamad na ako bumalik sa office nun kasi antok talaga ako. natulog ako hanggang 9 pm. tapos bigla ko naalala na meron nga pala bachelor's party yung isa kong office mate. shit! puyatan na namn. pero ok lang. im sure enjoy yun. nagpunta na ako sa party, dala ko yung jackass na dvd kasi gusto ko papanood sa kanila. so, pagdating dun, nood kami habang naghihintay ng food. syempre konting tagay pampagana kumain. sobrang saya na naman, di ko makalimutan yung mga tawanan at kulitan namin. natapos inuman ng 1:30am. at last, makakauwi na din ako at makakatulog na sa paborito kong kama. hehehehehe. hirap nga lang kasi wala ako katabi. pero someday, im sure magkakaroon na din ako ng katabi sa pagtulog. hahahahahaha!

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home